Tabi-Tabi Po!
Hindi ba nasisilip ng Department of Health or Department of Sanitation ang mga kadiring Pink Urinals ng MMDA na ngayon eh pininturahan ng green (dahil sa mga kampanya sa election 2010).
Napaka-un-hygienic ng mga urinals nito at sobrang baho kaya pag napadaan ka sa malapit. Nanganaglingasaw ang mga ihi ng mga kalalakihan na di makapagpigil sa tawag ng kalikasan.
Ewan, ang dugyot ha. Bakit naman kaming mga girls kaya namin magtiis. Maghahanap nalang kami ng mall na malapit or restaurant na malapit para mag-jingle kesa naman ganyan.
Feeling naman ng MMDA matutuwa kami sa mga public urinal na balak itayo at ikalat sa Metro Manila ano kayo bale! Mabosohan pa kami noh! Saka napaka-un-hygienic talaga. Tignan mo wala man lang matinong drainaige kung san mapupunta ang wiwi. Sa kalsada nalang sya bubuhos eh di ganun din. Parang tanga.





